gravatar

Kaya ko to! (Kaya nga ba?)


Sa ngayon, abala ako sa aking training (OJT) at sa pag-aaral. Problema lang ay late na ako nag-start mag-OJT at may mga subjects pa akong papasukan. Tuwing nag-ttraining ako iniisip ko kung kalian ko matatapos ang 800 hours requirement sa OJT, kapag nasa klase naman ako ganun din ang na-iisip.
Nakaka-ilang oras pa alang ako, halos 20% pa lang ang napapasukan ko. 3rd year na ako, dapat ay ggraduate na ako by the end of the term, pero may possibility rin na hindi. Pagka-tapos nitong dalawang subjects meron pa akong isang i-ttake. Di ko na alam kung paano ko hahatiin ang sarili ko para lang makapasok sa school at sa office ng sabay. Di ko masyado iniisip ang perang gagastusin, mas nag-aalala ako sa oras na masasayang kapag hindi ko ‘to kinaya. Madali lang naming sabihin sa sarili na “kaya ko” pero iniisip ko rin kung kaya nga ba talaga. Sa ngayon, ayaw kong sumuko, laban kung laban, dapat ay makasabay ako sa graduation. Minsan nga lang, may mga taong pag narinig na sinabi mo na kaya mong maka-graduate on time, sasabihin nila – “talaga lang ah”. Hindi ba dapat ay mag-tulungan tayo? Kung naka-akyat ka na, hilain mo naman pataas ang mga kasama mong gusto rin umakyat hindi yung mag-oobserve ka lang sa kanila. Parehas lang dun sa mga walang balak umakyat. Hindi mo kailangang hawakan sa paa yung mga nag-pupumilit na umakyat. Isipin mo na lang kung bakit nila gusto umakyat, baka maisipan mo’ng sabayan sila sa pag-akyat. Lahat tayo makaka-graduate, yun nga lang iba-iba tayo ng paraan para makatapos. Yung iba, hindi masyadong nahihirapan; yung iba ay nasa mahirap na situation, at yung iba naman ay hindi muna sa ngayon.
“Obstacles are those frightful things that you see when you take your eyes off your goals”
Note: Sorry for not using English this time, prompt me if you want me to translate it to English. J